Umano’y hazing sa UP Diliman pinaiimbestigahan
HINILING ng University of the Philippines (UP) Diliman Student Council (USC) sa Office of Student Ethics (OSE) na imbestigahan ang alegasyon ng diumano’y insidente ng hazing sa unibersidad.
Sa isang sulat na naka-address kay OSE Chair Atty. Rosalio A. Aragon Jr., sinabi ng USC na isang anonymous Twitter account na @UPSILONLEAKS ang nag-tweet noong Hulyo 3 kaugnay ng mga larawan at video ng umano’y mga insidente ng hazing.
“Since the images and information contained in the account cannot be verified at this time, we are requesting intervention from your good office to conduct fact-finding investigation,” sabi ng USC.
Comments
Post a Comment