6 na patay sa magnitude 7 Abra earthquake

UMABOT na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7 na lindol sa Abra, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Biyernes ng umaga.

Ang mga nasawi ay mula sa Bangued, Abra; La Trinidad, Benguet; Tuba, Benguet; Balbalan, Kalinga; at Bauko, Mountain Province; habang ang isa ay patuloy pa ring biniberipika kung saan nasawi.

Bukod sa anim na nasawi, may apat pa umanong katao ang patuloy na pinaghahanap habang 136 ang naiulat na nasugatan.

Umabot naman sa 19,486 pamilya ang apektado ng lindol mula sa dalawang rehiyon habang 1,583 kabahayan ang nasira.

Matatandaan na alas-8:43 ng umaga nitong Miyerkules nang yanigin ang Abra ng magnitude 7 na lindol na naramdaman naman sa maraming lugar sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila.

Inilagay na sa ilalim ng state of calamity ang lalawigan ng Abra.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2