7 patay, 6 sugatan sa banggaan ng 3 sasakyan sa GenSan

PITO ang nasawi habang anim iba pa ang nasugatan matapos ang multiple colission Batomelong, General Santos City ngayong Huwebes.

Sa inisyal na report, naganap ang insidente alas 3:15 ng hapon sa Purok 4 National Highway, Batomelong nang magbanggaan ang isang Ford raptor, Wingvan truck at commuter van.

Sumabog umano ang gulong sa likod ng commuter van dahilan para mawalan ito ng kontrol sa manibela, at saka sumalpok sa truck at Fors Raptor.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima sa aksidente.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding