Bagets nadaganan ng mixer, todas

NASAWI ang menor de edad makaraang madaganan ng mixer truck sa Sablan, Benguet nitong Lunes, ayon sa pulisya.

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga pinsala sa katawan.

Nasugatan naman ang dalawa niyang kasamahan.

Base sa pagsisiyasat ng Sablan PNP, nahulog ang mixer truck sa bangin kung saan nagtatrabaho ang mga biktima.

Inabot ng isang oras bago narekober ang katawan ng nasawing biktima.

Kasalukuyan namang nagpapagaling sa pagamutan ang dalawa niyang kasama.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang dapat managot sa pangyayari.


Comments

Popular posts from this blog

Malabon rape-slay suspect timbog

Legacy ni Duterte: Suppression ng press freedom

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips