Barbie di nagparetoke ng ilong, dibdib

TODO-TANGGI ang aktres na si Barbie Imperial na ipinaretoke niya ang kanyang ilong at dibdib.

Sa kanyang vlog, iginiit ni Barbie na hindi pa niya ipinaaayos ang kanyang dibdib kaya nananatili itong hindi pantay.

“Hindi po ako nagpa-ayos ng ilong. Totoo po ‘yan,” sey niya. “Yung boobs ko naman, hindi ko rin pinaayos ‘to. Kasi kung pinaayos ko ‘to, sana pinapantay ko.”

Idinagdag ni Barbie na sakaling magpaparetoke siya, hindi niya ito itatago.

“I have nothing against dun sa mga nagpapa-enhance ng ng mga katawan nila kasi syempre, gusto nilang maging mas confident eh. Wala namang masama dun and hindi n’yo naman pera so ‘wag n’yo pakialaman yung mga buhay ng gustong magpa-enhance,” paliwanag niya.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding