Dagdag pension sa ‘indigent’ senior citizen batas na

NATUWA ang ilang senador matapos mag-lapse into law ang panukala na nagsusulong na madoble ang pension ng mga pinakamahihirap na senior citizen ng bansa.

Nag-share ng dokumento si Senador Joel Villanueva, principal author ng panukala, mula sa Office of the President na may petsang Agosto 1, na tumutukoy na isang ganap na batas na ang Republic Act No. 11916.

Nag-lapse into law ang nasabing panukala nitong Hulyo 30.

“Happy bday indeed! Batas na po ang ating doubling the social pension of indigent senior citizens, praise God!!! Thank you thank you,” ayon kay Villanueva na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon.

Sa nasabing panukala, magiging P1,000 na ang monthly pension ng mga indigent senior citizens mula sa kasalukuyang P500.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2