Facebook, Google dapat habulin, pagbayarin ng tax – Salceda

DESIDIDO si House committee on ways and means chairman Joey Salceda na habulin ang Facebook at Google, na sinabi niyang hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

Ito ay kasabay ng muling pagsusulong ni Salceda ng panukalang Digital Economy Taxation Act na magpapataw ng buwis sa digital services na kinabibilangan ng “advertising, subscription-based services, and other online services that can be delivered through the internet” na kinukonsiderang “VAT-able”.

“I am making sure that I catch them … They earn P54 million (annually) combined but they are not paying the government even a single cent (centavo),” ayon kay Salceda.
Ang mga buwis na kokolektahin mula sa Facebook at Google ay magmumula sa mga advertisements.

Naniniwala si Salceda na ang dalawang online services na ito ay hindi exempted sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

“Anything under the TRAIN law that is not exempted is considered covered, so I don’t even have to pass the law,” dagdag ni Salceda.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2