‘Isyu’ ni Robin kay Villanueva solb na

SOLB na ang “isyu” ng neophyte Senator na si Robin Padilla kay Senate majority leader Joel Villanueva.

Ayon kay Padilla, nag-usap na sila ni Villanueva tungkol sa isyu niya rito na siyang dahilan kung bakit hindi siya sumuporta sa pagiging majority leader nito nang magbotohon nitong Lunes.

“Ngayon, okay na kami,” ayon kay Padilla na iginiit na hindi personal ang isyu niya sa majority leader.

Matatandaan na iniulat ng Publiko na sumama umano ang loob ni Padilla kay Villanueva dahil kinuha ng huli ang mga upuan, mesa, divider at ilan pang gamit sa dati nitong opisina na siya ngayong opis ng aktor-politiko.

Read more: https://ift.tt/lAbhTGQ

“Definitely, hindi personal iyon. Hindi tayo namemersonal,” giit ni Padilla, bagamat hindi idinetalye ang puno’t dulo ng kanyang di pagboto kay Villanueva.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding