Miss Universe Ph 2022 umaray sa cyber bullying pero…

UMAPELA si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa kanyang mga fans na huwag nang sagutin o labanan ang mga netizens na nambu-bully sa kanya.

Imbes, ani Celeste, pakitaan nila ang mga bullies ng kabaitan.

“I invite my fans to not answer and fight back please. If you want to protect me then simply use the hashtag #kindnesscampaign,” pahayag ng beauty queen sa Instagram.

“Let’s not engage with any form of hate,” dagdag niya.

Bago ito, sinabi ni Celeste na maraming nagta-tag sa kanya sa mga edited na photos, paninira at pagbabanta.

“I have seen quite a lot just today and now before going to sleep,” reklamo niya.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding