Overpriced na lunch sa Panglao resort paiimbestigahan ng gobernador
IPINAG-UTOS ni Bohol Gov. Aris Aumentado na imbestigahan ang ulat ng umano’y overpriced na pagkain na inihahain sa isang resort sa Panglao.
Sa Facebook post, inanunsyo ni Aumentado na magpupulong rin ang lokal na opisyal ng Panglao at mga may-ari ng mga resorts kaugnay sa kontrobersya.
“We have ordered the SP (Sangguniang Panlalawigan) to investigate the events. And we are grateful to social media because it has given us a solid reason for the Sanggunian Panlalawigan to craft resolutions or ordinances that can provide protection and order to tourists that have been exploited for a long time by some businessmen in Panglao and other cities,” ani Aumentado.
“We will fix this,” dagdag niya.
Matatandaan na isang netizen ang nagreklamo kaugnay sa P26,000 na binayaran ng kanilang grupo para sa seafood lunch nila sa Virgin Island.
Kabilang sa kanilang binayaran ang kilawin na umabot ng P3,000 at 20 piraso ng saging na siningil sila ng P900.
Comments
Post a Comment