P5,000-P10,000 posibleng matanggap ng quake victims

MAAARING makatanggap ang mga biktima ng lindol ng hanggang P10,000 cash assistance mula sa gobyerno, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa katunayan, ayon kay Social Welfare Assistant Secretary Rommel Lopez, inisyal na silang nakapaglabas ng P10 milyong pondo para sa mga biktima ng Magnitude 7 na lindol na yumanig sa Luzon Miyerkules ng umaga.

“Ang sinisiguro ni [Social Welfare Secretary] Erwin Tulfo, naka-ready ‘yung ating mga pang-ayuda sa ating mga kababayan. At this point in time, naglabas na ng initial na P10 million ‘yung DSWD,” ani Lopez sa Laging Handa briefing.

“’Yung ating mga kababayan na naging biktima ng sakunang ito, maaari po silang tumanggap ng P5,000 to P10,000 under ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS,” dagdag pa ng opisyal.

Kailangan munang mai-assess ng DSWD ang mga dapat na maging benepisyaryo ng cash assistance.

“Ia-assess lang po kayo ng ating mga social welfare officer at sisiguraduhin naming mapapabigay sa inyo ang mga ayuda na ‘yan.”


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2