Poe muling inihirit pagbuo ng Dep’t of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management
MULING nanawagan si Senador Grace Poe sa pamahalaan na magbuo ng isang departamento na tututok sa pagpapatibay ng kahadaan ng bansa sa panahon ng kalamidad at iba pang uri ng disaster gaya ng malakas na lindol na yumanig sa maraming lalawigan sa norte.
Panahon na anya para buuin ang Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management na siyang tututok sa pagbibigan ng tugon sa pangangailangan ng publiko sa panahon ng disaster.
Ayon ka Poe, sa ganitong mga panahon na higit kailangan ng publiko ang tulong ng gobyerno, ay magagawa ito sa pamamagitan ng mas coordinated na pagtugon para sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.
“In our people’s hour of need, government must manifest its presence through a swift, coordinated response in providing for their immediate needs,” reaksyon ni Poe matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang Abra Miyerkules ng umaga na nagdulot ng maraming pinsala at pagkamatay ng apat katao at pagkasugat ng maraming iba pa.
“The incident brought to fore our previous call for a Department of Disaster Resilience and Emergency Assistance and Management, which will be the first responder during calamities.
the proposed body will also efficiently plan and collaborate with concerned agencies and local government units on disaster mitigation and management,” paliwanag pa ni Poe.
“Our people especially in vulnerable communities should not suffer more in the face of calamities,” dagdag pa niya.
Comments
Post a Comment