Vape bill nag-lapse bilang batas

NAG-LAPSE bilang batas ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act o Vape Law matapos bigong aksyunan ng pangulo ang panawagan na i-veto ang nasabing panukala.

Kinumpirma mismo ni Press Secretary Trixie Angeles ang pagkakapaso ng panukala para maging ganap na batas.

Sa ilalim ng batas, nagiging batas ang isang panukala isang buwan matapos itong i-transmit sa Office the President.

Nabigong i-veto ni Pangulong Bongbong Marcos ang batas sa kabila ng mga panawagan ng iba’t ibang sektor na ibasura ang nasabing bill.

Sa ilalim ng Vape Act, papayagan na ang mga edad 18 anyos na makabili ng vape mula sa dating 21 anyos.

Ililipat na rin ang regulasyon nito sa Department of Trade and Industry (DTI) mula sa Department of Health (DoH).


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2