Alice Dixson: Di ako gatecrasher sa GMA gala

TINARAYAN ni Alice Dixson ang mga bashers na sinabing sinira niya ang black and white theme ng GMA Gala dahil sa suot niyang yellow gown.

“It has come to my attention na may mga nagalit, nainis [at] nagba-bash tungkol sa lovely bright [Gakuya by Kim Gan] canary yellow gown ko na suot ko noong [GMA Gala Night],” ani Alice.

“At ang sabi pa daw ay gate crasher pa ang dating ko, at nasira ko ang magandang preparation ng gala; Really?!” dagdag niya.

Paliwanag niya, hindi nakasaad sa invitation na required ang pagsusuot ng white at black.

“For me (and I also looked it up ha!) ang isang Formal Black and White event is simply that—a formal event. [And nowhere] on any of my invitations that I received did it say you could only wear black and white!” dagdag ng aktres.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding