Grand Imam ng Marawi binawi suporta kay Robinhood
INIURONG na ng Grand Imam ng Marawi Grand Mosque at ng kanyang mga miyembro ang suporta nila kay Senador Robinhood Padilla kasabay sa pagkondena sa isinusulong nitong “same sex marriage”.
Inilabas ng Office of the Grand Imam of the Marawi Grand Mosque na si Alim Abdulmajeed Djamla ang kanilang pahayag ng pagkondea sa Senate Bill No. 449 o “An Act Institutionalizing Civil Unions of Same Sex Couples, Establishing Their Rights and Obligations, and For Other Purposes.”
“I regret to inform all Muslims in general and the Muslims in the Philippines that I and those who follow me have withdrawn our support for Senator Robin Padilla and strongly condemn his sponsorship of Same-Sex Marriage Bill No. (449) Civil Unions Acts in the Senate,” ayon kay Djamla.
“This is based on the doctrine that same-sex marriage is considered immoral by all religions and is forbidden (Haram) under Islamic law,” dagdag pa ng Grand Imam.
Paliwanag niya, ang paniniwala o silang gumagawa ng ganitong gawin (same sex marriage) ay “tantamount to disbelief (Kufr) which is outside the creed of Islam.”
Ang isinusulong ni Padilla ay hindi same sex marriage kundi same sex union na nagsusulong para bigyang karapatan ang mga same sex couple gaya ng mag-ampon, tax exemptions, magkaroon ng labor benefits, at iba pa.
Comments
Post a Comment