Isko hindi nabugbog sa Paris

ITINANGGI ng isang malapit kay dating Manila Mayor Isko Moreno na nabugbog ang huli habang nagbabakasyon sa Paris, France kasama ang pamilya.

Ayon kay Wowie Roxas, mentor-discoverer ni Isko, nakausap niya sa telepono ang dating opisyal at pinabulaanan nito ang kumakalat na balita sa social media.

Pero inamin naman ni Isko na muntik nang mabiktima ng budol-budol ang pamilya niya.

“Si Isko pa, laking-Tondo ‘yon. Natunugan niya kaagad ang balak ng mga gypsy na pumaligid sa kanila kaya hindi natuloy ang masamang balak,” ani Roxas sa panayam.

Idinagdag nito na imposible ring makanti ng mga kawatan ang pamilya ni Isko dahil martial arts expert ang asawa nito na si Dynee.

Kasalukuyang nagbabakasyon ang pamilya ni Isko sa Europe. Bago magtungo sa France, nakabisita ang mga ito sa Natherlands, Belgium, at UK.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Malabon rape-slay suspect timbog

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips