Magnitude 4.4 lindol naramdaman sa Leyte

NIYANIG ng magnitude 4.4 na lindol ang Merida, Leyte kaninang alas-6:49 ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol na may lalim na 10 kilometro sa 13 kilometro hilaga ng Merida, Leyte.

Naramdaman ang Intensity 4 sa Merida, Ormoc City, at Isabel, Leyte habang Intensity 3 naman sa Palompon, Matag-ob, Villaba, at Kananga, Leyte.

Intensity 2 naman sa Albuera, Capoocan, Carigara, at Tabango, Leyte; at Intensity 1 naman sa Calubian, Leyte.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Malabon rape-slay suspect timbog

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips