P1M shabu itinago sa inodoro ng fastfood restaurant

NAREKOBER ng pulisya ang P1 milyon halaga ng shabu sa comfort room ng isang fastfood restaurant sa Naga City sa Camarines Sur.

Nadiskubre ng crew ang plastic bag ng droga sa loob ng toilet bowl tank alas-12:45 ng umaga kahapon.

Nakabalot ng masking tape ang plastic, ayon sa pulisya.

Sinabi ng crew na binuksan niya ang tank dahil hindi nagpa-flush ang inodoro.

Sa loob ay nakita niya ang plastic ng shabu na may bigat na 150 gramo kaya agad itong ipinagbigay-alam sa otoridad.

Binubusisi na ng mga imbestigador ang security cameras sa establisimento para matukoy kung sino ang nag-iwan ng droga.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding