Press Secretary Angeles positive sa COVID-19

KINUMPIRMA ni Press Secretary Trixie Angeles na nagpositibo siya sa COVID-19.

“Ngayong araw, lumabas po ang resulta ng ating RT-PCR test para sana sa isang official engagement at lumabas po itong positive,” sabi ni Angeles.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Angeles ni tuloy pa rin ang kanyang trabaho.

“Tayo po ay asymptomatic at magpapatuloy tayo sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover,” dagdag ni Angeles,

Hinimok din ni Angeles ang lahat na magpabakuna laban sa virus.


Comments

Popular posts from this blog

Malabon rape-slay suspect timbog

Legacy ni Duterte: Suppression ng press freedom

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips