TD Florita bahagyang lumakas; Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Isabela, Aurora, Cagayan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ialng bahagi ng lalawigan ng Isabela, Aurora at Cagayan matapos bahagyang lumakas ang Tropical Depression Florita, ayon sa pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (Pagasa).

Namataan si “Florita” 540 kilometro silangang bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan na may taglay na hangin na 55 kilometers per hour at pagbugso hanggang sa 70 kph.

Pahilagang-kanluran ang takbo ni “Florita” na may bilis na 15kph at inaasahang mag landfall sa Cagayan o timog na bahagi ng Isabela Martes.

Inaasahang magiging ganap na bagyo si “Florita” dahil sa inaasahan pang paglakas nito na aabot sa bilis na 75 kph.

Nakataas ngayon ang Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod ng lugar:

Northern portion ng Aurora (Dilasag)
Eastern Portion ng Isabela (Dinapigue, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Palo, Cabagan,Tumauini, Ilagan City, San Mariano
Eastern portion of Cagayan (PeƱablanca, Baggao)

Posibleng itaas naman sa Signal No.2 ang mga lugar sa silangang bahagi ng Luzon.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2