Carlos Agassi naaksidente, di makalakad

HANGGANG higa at upo lang ang kayang gawin ng aktor na si Carlos Agassi dahil hindi niya maigalaw ang kanyang mga binti makaraang maaksidente habang naglalaro ng basketball.

Aniya sa Instagram post: “Can’t believe I can’t stand, or walk, or bend.”

Dahil dito ay humihingi siya ng dasal sa publiko. “Please pray for me,” sey niya.

Kuwento ng aktor, nagba-basketball siya nang biglang bumigay ang kanyang mga tuhod.

“Had a bad landing and my knee gave and swayed side to side, can’t walk or move my leg,” aniya.

Umaasa naman siya na maaayos pa ang nga tuhod sa therapy.

“Sana speedy recovery and no need for surgery… Freak accident before my 43rd birthday, I guess I’m retired na from basketball,” sabi ni Carlos.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding