Gorbachev pumanaw

PUMANAW na ang huling lider ng Soviet Union na si Mikhail Gorbachev sa edad na 91.

Ayon sa Russian state news agencies, namatay ang dating presidente ng Soviet dahil sa matagal na iniindang sakit.

“Mikhail Sergeevich Gorbachev died this evening after a severe and prolonged illness,” pahayag ng Central Clinical Hospital.

Si Gorbachev ang nagsulong ng mga pangunahing political at economic reforms sa USSR at tumulong para magwakas ang Cold War.

Samantala, nagpahayag na ng kanyang pakikiramay si Russian President Vladimir Putin sa pagpanaw ng dating lider.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Jovit huwarang anak: ‘Isang text ko lang andiyan siya’

Foreign telesereye patawan ng mas mataas na buwis – Robin