2 pipi’t bingi nangholdap, kalaboso

SHOOT sa kulungan ang dalawang lalaki na pipi at bingi makaraan nilang mangholdap umano sa Quezon City.

Nasakote ang dalawa ng mga rumespondeng pulis makaraang hindi umandar ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Ayon sa ulat, naglalakad ang biktima sa alas-3:00 ng madaling araw sa Brgy. Commonwealth nang harangin ng mga suspek.

Tinutukan ng patalim ng mga kawatan ang biktima saka inagaw ang cellphone nito bago sila tumakas.

Nakahingi naman kaagad ng saklolo ang biktima sa mga rumorondang pulis.

Naaktuhan ng mga otoridad ang mga suspek sa isang madilim na bahagi ng kalsada na pilit na pinaandar ang tumirik nilang motorsiklo.

Sa presinto, kinailangan pa ng mga pulis ng interpreter para “makausap’ ang mga suspek.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding