James Blake itinanggi si Heaven Peralejo

ITINANGGI ng aktor na si James Blake na mayroong namamagitan sa kanila ni Heaven Peralejo sa kabila ng “kumpirmasyon” ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz.

Sa isang panayam, iginiit ni Blake na magkaibigan lang sila ng young actress na kasama niya sa teleseryeng “A Family Affair.”

“We’re not together. We’re friends. But I’ll say na naging close kami dahil sa ‘A Family Affair.’ Magkasama kami doon and I got to know her more,” ani Blake.

“I like her. She’s really nice. My mom knows her also, I know her mom also. We’ve worked together multiple times. But we’re not together. We’re just friends, we’re good friends,” dagdag niya.

Matatandaan na ibinalita kamakailan ni Ogie na magkarelasyon ang dalawa base sa kanyang source.

“According to my reliable source, ‘di ba, may ganyan? Ang dyowa raw ngayon ni Heaven Peralejo ay si Jameson Blake!” sey ni Ogie.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2