Lolo sinuntok ng tanod, dedbol

PATAY ang senior citizen nang mabagok ang ulo matapos bugbugin ng barangay tanod sa Bucay, Abra.

Nasawi ang biktima na si Jacinto Tenebro ng Brgy. Bugbog, habang ginagamot sa ospital. Nadakip ang suspek na si Ronald Tagura, 40, matapos ang insidente.

Nag-iinuman sina Tenebro, Tagura at kanilang mga kapitbahay nang magkasagutan ang biktima at suspek nang magawi ang usapan sa hilig umanong pangungutang ng tanod.

Pinagsusuntok ng suspek ang biktima na natumba at nabagok ang ulo sa kalsada.

Dinala ang matanda sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor ang buhay nito.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding