Vhong babasahan ng sakdal sa Martes

NAKATAKDANG basahan ng sakdal sa Martes ang actor-host na si Vhong Navarro sa kasong rape na inihain ng model na si Deniece Cornejo.

Kasabay ng arraignment ang pre-trial conference sa nasabi ring kaso.

Inisyu ni Taguig Regional Trial Court Branch 69 Judge Loralie Datahan ang kautusan.

Gaganapin ang proceedings sa hall of justice ng siyudad.

Kasalukuyang nakapiit sa National Bureau of Investigation detention facility si Navarro na kinasuhan din ng acts of lasciviousness ni Cornejo.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2