10 sugatan, ilang kabahayan sira sa Abra quake
TINATAYANG aabot na sa 10 katao ang nasugatan bunsod ng 6.7 magnitude na lindol na yumanig sa Abra Martes ng gabi.
Ayon kay Capt. Rigor Pamitan, spokesman ng 5th Infantry Division, meron na silang naitalang 10 sugatan mula apat na bayan sa lalawigan ng Abra.
Ayon sa report, lima ang naitalang sugatan mula sa bayan ng Lagayan, habang tatlo naman sa San Juan, at tig-isa mula sa Daguioman at San Quintin.
Samantala, 52 pamilya o 182 indibidwal ang inilikas mula sa Tubo, Abra, dagdag pa ni Pamitan.
Patuloy naman ang isinasagawang assessment para mabatid kung ilan sa 58 paaralan sa lalawigan ang nasira ng pagyanig.
Ang Abra-Kalinga Road sa Brgy Subagan, Licuan-Baay, ay pansamantalang hindi madadaanan dahil sa isinasagawang clearing operations. Ang Abra- Cervantes Road naman sa Brgy Bangnagcag, Bucay Abra, ay pwedeng daanan ng mga maliliit na sasakyan.
Sarada naman sa trapiko ang Abra-Ilocos Norte Road (K0429+800, Nagparan, Danglan, Abra) dahil sa mga pagguho ng lupa, at ngayon ay isinasailalim sa clearing operations.
Sa Lagayan, Abra, anim na kabahayan ang naiulat na totally damaged habang 12 naman ang partially damaged sa Tineg, Abra; pito sa San Quintin, 22 naman sa Dilong, Tubo, na pare-parehong nasa lalawigan ng Abra.
Una na ring napaulat na nasira ang Tower Belfry ng Iglesias Filipina Independiente Church sa La Paz, Abra.
Comments
Post a Comment