Eastern Samar inuga ng magnitude 5.3 na lindol

INUGA ng magnitude 5.3 na lindol ang Eastern Samar alas-11:08 Lunes ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lindol na may lalim na limang kilometro, 46 kilometro ng Mercedes, Eastern Samar.

Naramdaman ang Intensity IV sa Mercedes, General McArthur, Giporlos, Guiuan, Hernani, Quinapondan, at Salcedo, Eastern Samar.

Naitala naman ang Intensity III sa Balangiga, at Lawaan, Eastern Samar; Tacloban City, Leyte; habang Intensity II naman sa Abuyog, Dulag, at Palo, Leyte.

Hindi inaasahan na may pinsalang dulot ng lindol bagamat posibleng maranasan ang mga aftershocks.


Comments

Popular posts from this blog

Malabon rape-slay suspect timbog

Legacy ni Duterte: Suppression ng press freedom

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips