Foreign telesereye patawan ng mas mataas na buwis – Robin

KUNG si Senador Jinggoy Estrada ay hirit na i-ban ang mga Koreanovela, iba naman ang nais mangyari ni Senador Robinhood Padilla.

Ayon sa actor-turned-politician, dapat patawan ng mas mataas na buwis ang mga imported na pelikula at telenovela gaya ng K-drama na kinagigiliwan ng maraming Pilipino ngayon.

Iminungkahi ni Padilla ang nasabing hakbang sa deliberasyon ng budget para sa Film Development Council of the Philippines nitong Martes.

Anya, dapat bigyan ng mas mataas na tax ang mga gawang pelikula at teleserye sa ibang bansa na tatawaging “foreign teleserye tarification”.

Ang pondong malilikom mula rito ay gagamitin para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.

“Maaari po bang gawan natin ng paraan na taasan ang tax nitong mga foreign series na pumapasok sa atin? Kahit paano po ang subsidy na makukuha, bigay natin sa workers sa industriya natin sa local… Sampahan natin itong mga pagpasok ng foreign dahil maraming nawawalan ng trabaho dito,” ayon kay Padilla.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2