Marcos: Pinoy handa nang bumalik sa normal

SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na handa na ang mga Pinoy na bumalik sa normal na buhay matapos ang mahigit dalawang taong epekto ng pandemya.

“Hindi lang ng taga-Bacolod kung hindi lahat na talaga handang-handa na ang mga kababayan nating Pilipino na bumalik na sa normal na buhay at ipagpatuloy ang ating mga ginagawa para pagandahin natin ang buhay ng isa’t isa, para pagandahin natin ang Pilipinas,” sabi ni Marcos sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Masskara Festival sa Bacolod City nitong Linggo.

Idinagdag ni Marcos na nababawasan na rin ang epekto ng pandemya.

“Alam na natin kung papaano i-manage ang COVID at nakakatuwa naman na nandito tayo, nagkataon tayo na magsama ulit,” anya pa.

“At ngayon ay hindi lamang para sa political cycle, para sa kampanya, kung hindi para mag-celebrate, para sumayaw, makinig ng magandang music, at mag-enjoy tayo sa mga performance ng ating mga napaka-talented na mga tiga-City of Smiles,” dagdag pa ni Marcos.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2