Sanay po ako sa hirap–Zeinab Harake

KAHIT milyong-milyon na ang kinikita niya sa pagba-vlog, hindi pa rin nakakalimutan ng kontrobersyal na online personality na si Zeinab Harake ang kanyang nakaraan.

“Kung alam n’yo lang. Dati po dumadating ‘yung ilang araw na wala kaming makain. Kung hindi pa po magbibigay ng kapitbahay namin ng ulam, wala po kaming kakainin maghapon magkakapatid. Totoo po ‘yun,” ani Zeinab sa isang panayam.

Kaya naman laking-pasalamat niya sa Diyos at kaya na niyang buhayin ang mga taong mahal niya.

“Ngayon, nakakapag-provide na ako ng kung anong gustong kainin ng mga anak ko, mga kapatid ko. Lalo na ako, team ko,” paliwanag ni Zeinab.

Maliban sa pamilya, tumutulong din siya sa mga kapus-palad dahil alam niya kung paano maging mahirap.

“Number one po ‘don is ‘yung mga taong nakikita ko lalo na ‘yung nasa kalye. ‘Yung kahit walang camera. As long as nakita mo, kaya mong tulungan, tulungan mo. Sa mga contents ko sa pagtulong sa mga nasalanta, nasunugan. Masayang-masaya ako na ginagawa yun e,” dagdag niya.

Ibinida rin niya: “Ako po talaga, hindi po ako madamot na tao, madami pong tao sa bahay…15. Ganun po karami yung taong tinutulungan ko, umaasa sa akin pero masaya. So lahat po ng natatanggap kong blessing, hindi ko po sinasabi na super duper yaman ko. Kasi parang umiikot lang din po. As long as nakakapag-provide ako sa kanila.”


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2