2 PBA players may payo kay John Amores

NAGKOMENTO ang dalawang PBA players na sina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand matapos ang kontrobersyal na panununtok ng Jose Rizal University player na si John Amores.

Ayon kay Jayjay, dapat bigyan ng second chance si John dahil bata pa ito.

“I feel bad for the kid kasi we don’t know what he’s going through. The game, when it’s intense like that, our emotions get the best of us,” ani Jayjay sa vlog ni RR Enriquez.

“At the same time, we can’t lose control like that. Very unfortunate incident. Sa’kin sana mabigyan siya ng second chance. He’s still young. He’s got a great future ahead of him. Daming galit sa kanya, of course hindi naman kasi tama ‘yung ginawa niya,” dagdag pa nito. 

Para naman kay Rico, sinabi naman niya na hindi para kay John ang basketball kung hindi niya kayang i-control ang emosyon.

Ngayon kung hindi mo maha-handle ‘yung emotions mo, hindi para sa’yo ang basketball,” ani Rico. 

“Sa side ni Amores, I’m sure pinagsisisihan niya ‘yung ginawa niya. Kasi from what I heard, affected din ‘yung scholarship niya. affected ‘yung school niya affected yung future niya…Wala ka pa sa PBA tas ganyan ka na, mahirap na situation para sa kanya,” dagdag pa ni Rico. 

Payo naman ng dalawa kay John na huwag mag-give up sa pangarap niya.

Na ikaw ngayon na isang college player na nangangarap na maging basketball player, there’s no doubt pangarap mo ‘yan kaya ka nga nagsusumikap, kaya ka nagpa-praktis everyday with your teammate sa school mo, sa team mo is maabot mo ‘yung naabot namin. I-take mo lhat yung punishment pero never give up on your dreams,” sey ng PBA players.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2