2.9M Pinoy nakaranas ng gutom sa unang 3 buwan ng BBM admin

AABOT sa 2.9 milyong Pinoy ang nakaranas ng gutom sa nakalipas na tatlong buwan, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey mula Setyembre 29 hanggang Oktubre 2, 2022, lumabas na 11.3 porsiyento ang nakaranas ng kagutuman o walang makain sa nakalipas na tatlong buwan ng administrasyong Bongbong Marcos.

Ayon sa SWS, magkapareho ang hunger rate ngayong Oktubre 2022 kumpara noong Hunyo 2022, bagamat bahagyang mas mababa sa naitalang 3.1 milyong pamilyang nagutom o 12.2 porsiyento noong Abril 2022 at 3 milyon Pinoy o 11.8 porsiyento noong Disyembre 2021.

“However, it is still 1.3 points above the 10% (estimated 2.5 million families) in September 2021, and 2.0 points above the pre-pandemic annual average of 9.3% in 2019,” sabi ng SWS.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,500 indibidwal sa buong bansa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2