Bar exams tuloy – Supreme Court

TULOY ang Bar Examinations na nakatakda sa Nobyembre 9, 13, 16 at 20, ayon sa Korte Suprema.

“Except for unforeseen circumstances and contingencies which may necessitate a rescheduling of dates, the 2022 Bar Examinations will be held on November 9 (Wednesday), 13 (Sunday), 16 (Wednesday) and 20 (Sunday), 2022,” sabi ni 2022 Bar Examinations Chair Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

Idinagdag ni Caguioa na tuloy rin ang paggamit ng Examplify para sa 2002 Bar Examinations kung saan maaaring gamitin ng mga examinees ang kanilang sariling device sa kanilang napiling venue.

“Access to the computer-based testing software will be available to all Bar Examinations applicants approved to take the 2022 Bar Examinations, whether conditional or unconditional,” sabi ni Caguioa.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2