Filipino citizenship ni Brownlee aprub na sa Senate body

MALAPIT-LAPIT nang matupad ang inaasahang Filipino citizenship ng Barangay Ginebra forward na si Justin Brownlee.

Ito ay matapos aprubahan ng Senate committee on justice and human rights ang panukala na nagsusulong na mabigyan ang basketbolista ng Filipino citizenship.

Tinalakay ng panel, na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill Numbers 1336, 1516 at 2048 nina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa, Sonny Angara at Joel Villanueva.

“I am a Ginebra fan forever… I am very proud to say that I really volunteered to author this measure not only because I would like the Gilas to win in the international arena. Not only because Justin Brownlee comes from Ginebra. I know he is an athlete characterized by excellence and humility,” ani Dela Rosa.

“Pag nasa lounge po kami, ang bukambibig po talaga nila eh paano matutulungan po ‘yung basketball program ng Pilipinas,” ayon Angara na sumusuporta rin sa pagkakaroon ng Filipino citizenship ni Brownlee.

Bago ang pag-apruba ng mga panukalang batas, nakaharap ni Brownlee ang mga senador at tinanong tungkol sa kanyang motibasyon sa paghahanap ng pagkamamamayang Pilipino.

Sinabi ni Brownlee, na ipinanganak sa Georgia, USA, na gusto niya ang paraan ng pakikitungo ng mga Pilipino sa isa’t isa, at kung paano sila nagsusumikap at nananatiling masaya sa gitna ng mahihirap na sitwasyon.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2