Importasyon ng 25K MT ng frozen na isda pinayagan ng DA
PINAYAGAN ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 25,000 metriko tonelada ng frozen na galunggong, bigeye scad, mackerel, bonito at moonfish, sa pagsasabing kinakailangan ito para matiyak ang sapat na suplay ng isda sa palengke sa harap ng ipinatutupad na closed fishing season mula Nobyembre 1, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Sa ipinalabas na Special Order Number 1002 ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, sinabi niya na kailangang maisyu ang lahat ng import permit bago sumapit ang Disyembre 15, 2022.
Ipinatupad ang fishing ban para hayaang magparami ang mga isda.
“The Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) shall encourage the immediate disposal of the imported fish to ensure that it will not overlap with the local catch by the end of the closed fishing season,” dagdag ni Panganiban.
Comments
Post a Comment