Marcos sinisi deforestation, climate change sa Maguindanao landslide

ISINISI ni Pangulong Bongbong Marcos sa deforestation at climate change ang nangyaring landslide sa Maguindanao na ikinamatay ng maraming residente.

“Noong nasa helicopter kami ni [Maguindanao Governor] Bai Mariam, na-notice ko lahat ng gumuho kalbo ang bundok. That’s the problem,” ayon kay Marcos.

“And I was pointing out to the Governor, sabi ko sa kanya: Tingnan mo ‘yung may kahoy hindi gumalaw ‘yung lupa, lahat nung sugat na makita mo sa bundok dahil kalbo,” dagdag ni Marcos matapos ang isinagawang aerial inspection.

Sinabi ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu na nangyari ang landslides sa Barangay Kusiong sa Datu Odin Sinsuat; Barangay Romonggaob at Barangay Looy sa South Upi; Barangay Maagabo Bayanga Sur, Barangay Upper Bayanga Sur Norte at Barangay Kabugaw Sapad sa Matanog.

“So we have to include tree planting in our flood control. Dapat kasama ‘yan. Kung gagastos tayo sa flood control, kailangan may tree planting. So, that’s one thing that we need to do. But that one alam na natin ‘yun, we have been hearing this over and over again, pero patuloy pa rin tayo nagpuputol ng kahoy, ‘yan ang nangyayari nagkaka-landslide ng ganyan,” ayon pa kay Marcos.

Sa isinagawang briefing, iniulat ni Sangki-Mangudadatu na 61 ang naitala nang nasawi sa lalawigwan, samantalang 17 pa ang nawawala.

Ayon sa ulat ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), umabot sa 200,000 pamilya o 500,000 indibidwal ang apektado ng panalalasa ni “Paeng’.

Isinailalim na ang buong BARMM sa state of calamity.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2