Pinsala ni ‘Paeng’ lalo pang lumobo sa P2.74B

LALO pang lumobo ang pinsalang dulot ng Severe Tropical Storm Paeng sa agrikultura matapos itong umabot da P2.74 billion.

Sa ipinalabas na bulletin ng DA ganap na alas-5 ng hapon, sinabi nito na umabot sa 111,831 metric tons (MT) ng mga pananim ang nasira sa 82,380 ektarya ng mga taniman.

Umabot naman sa 74,944 magsasaka at mangingisda ang nawalan ng kabuhayan dahil sa pananalasa ni ‘Paeng.’

Ayon pa sa DA, kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Central Mindanao, at SOCCSKSARGEN (South Cotobato, Cotobato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City.

“Affected commodities include rice, corn, high value crops, fisheries, livestock and poultry. Damage has also been incurred in agricultural infrastructures, machineries and equipment,” sabi ng DA.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2