Ronnie Liang nag-alok ng libreng-sakay sa co-stars

SINALUDUHAN ng publiko ang singer-pilot na si Ronnie Liang dahil sa ginawang pagmamagandang-loob sa mga baguhan niyang co-stars.

Ayon sa ulat, nag-carpool si Ronnie para maihatid pauwi ang ilang kasama sa 
pelikulang “Mamasapano: Now It Can Be Told” na walang sasakyan.

Napag-alaman na mula sa kanilang shooting sa San Mateo, Rizal ay inihatid niya ang mga katrabaho sa Bulacan, Laguna, at Quezon City.

“I know the feeling na walang sariling sasakyan, lalo na kapag malayo ang location,” ani Ronnie.

Kuwento niya, mahirap din ang pinagdaanan niya noong baguhan pa lang siyang artista.
“I remember nung nag-uumpisa pa lang ako at suki ng mga audition, 300-400 beses akong nag-audition, mayroong time na naubusan ako ng pamasahe. Pinababa ako ng bus at umuwi nang naglalakad from Bulacan to Pampanga,” pahayag niya.

“Those were the days. Mahirap ang buhay noon especially for young, newbies na nagsisimula pa lang at very limited ang budget. Pero alam ko sa sarili ko na magbubunga rin ang lahat ng pagod,” dagdag ni Ronnie.

“Kaya nung tapos na ang shoot/eksena namin at uwian na, nag-offer ako sa kanila na sumabay na lang sa akin. I dropped them sa bahay nila. ‘Yung iba naman, kung saan malapit sa bahay nila.”


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2