Sandro trending sa Twitter dahil sa dragon fruit

TRENDING sa Twitter si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag na nagmumungkahi sa mga magsasaka ng palay na magtanin na lamang ng dragon fruit.

“Dahil malapit yung Pilipinas sa Taiwan, yung Taiwan malaki ang demanda ng dragon fruit, Eh they can only plant dragon fruit three or four times, three or four months of the year. Kapag hindi na nila kayang magtanim, planting season na dito,” sabi pa ng anak ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga mamamahayag sa Ilocos Norte.

“So if we can shift our farmers to plant dragon fruit kapag hindi na kailangan yung palay, para maibenta sa Taiwan kapag kailangan. Mas malaki kita nila. Think times three or times four. So that’s going to be a big help,” dagdag pa niya.

Dahil dito, umani nang kabi-kabilang pagbatikos ang anak ng pangulo mula sa mga netizens at hanggang Lunes ng umaga, ay nanatiling trending pa ring ang #Sandro.

“Sandro Marcos should try planting dragon fruit taking note of how long it takes to grow from planting until it bears fruit. He might have gotten three rice crops in the same time. He could also try nurturing his brain while he is at it,” ayon sa Twitter handle na @MiaMagdalena.

“Clear example Sandro immature trying hard wannabee wanting to make an impression to look good,” sabi naman ni Vincent T. Alunan sa isa pang tweet.

“How can you replace rice after its harvest season with a dragon fruit in your own farmland when in fact the plant is not a ‘recycling’ crop. It takes about 2 to 3 years to bear fruit?” sabi naman ni Clive Reyes JR.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2