Sasakyan sa Edsa nasa 398K kada araw

UMABOT na 398,000 ang dami ng sasakyan na dumadaan sa EDSA, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa Laging Handa briefing, idinagdag ni MMDA Spokesperson Melissa Carunungan na ito’y katumbas na ng mga sasakyan bago pa magpandemya. 

“Based on the recent survey conducted by the traffic engineering center of the MMDA last November 10, 2022, the volume of vehicles along EDSA is at around 398,000 every day. So, halos parehas lang sa pre-pandemic level. So, it always ranges from around 400,000 naman,” sabi ni Carunungan.

Ngayong Lunes, ipinatupad na ang bagong mall hour mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi sa harap ng inaasahang bigat ng trapiko dahil sa papalapit na kapaskuhan. 

“Ang inaasahan natin that it will have an increase of around 10 to 20 percent sa ating mga major thoroughfares for the ‘ber’ months,” ayon pa kay Carunungan.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2