Singer-actor Aaron Carter pumanaw sa edad na 34

PUMANAW na ang singer, actor na si Aaron Carter, ang nakababatang kapatid ng Backstreet Boys star na si Nick Carter, nitong Sabado. Siya ay 34 anyos.

Kinumpirma ng kanyang management ang pagpanaw ng singer-actor na nakilala rin sa Disney television show na Lizzie McGuire at Sabrina, the Teenage Witch.

Natagpuang walang buhay ang si Carter sa loob ng kanyang bahay sa Lancaster, California.
Hindi naman binanggit ang dahilan ng kanyang pagpanaw.


Comments

Popular posts from this blog

Taas-pasahe sa jeep, bus, taxi, TNVS aprub sa LTFRB

Ano ba ang magandang kumpanya? Narito ang ilang tips

Mga dapat ihanda tuwing may malakas na bagyo, according sa isang nanay