Vhong Navarro ililipat na sa Taguig City jail

ILILIPAT na sa Taguig City Jail ang aktor at television host na si Vhong Navarro.

Ito ay base sa commitment order na inilabas ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.

Habang inihahanda pa ng mga awtoridad ang mga dokumento para sa paglipat, kasalukuyang nakakulong si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Center.

Isasailalim din siya sa health protocol requirements.

Inakusahan si Navarro ng panggagahasa kay Denise Cornejo sa pamamagitan ng “puwersa, pagbabanta, at pananakot” at sa pamamagitan ng sadyang paglalasing sa kanya noong Enero 2014.

Itinanggi ni Navarro ang mga paratang laban sa kanya.

Hiniling ng kampo ni Cornejo na ilipat si Navarro sa Taguig City Jail.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding