Angping nag-leave bilang PMS chief

NAGHAIN ng leave of absence si Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping na agad namang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang sinabi nitong Biyernes ni Press Secretary Office in Charge Undersecretary Cheloy Garafil.

“Presidential Management Staff (PMS) Secretary Naida Angping has asked to take some personal time for herself and her family, and the President agreed,” sabi ni Garafil.

Matatandaang napaulat na inaresto ang mister ni Angping na si dating Manila Rep. Harry Angping sa Thailand dahil umano sa sexual harassment.

Inireklamo umano ang dating kongresista ng isang staff ng five star hotel kung saan tumutuloy ang delegasyon ni Marcos habang dumadalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit mula Nobyembre 15 hanggang 16.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2