Antiporda tuluyan nang inalis sa NIA? Bagong administrador itinalaga

ITINALAGA bilang bagong pinuno ng National Irrigation Administration (NIA) si dating Piddig, Ilocos Norte Mayor Eduardo Guillen.

Pinalitan ni Guillen si Benny Antiporda na kamakailan lang sinuspinde ng Ombudsman ng anim ng buwan bunsod ng iba’t ibang reklamo na inihain sa kanya ng ilang mga opisyal at empleyado ng ahensya.

Sa order na pirmado nitong Disyembre 9 at inilabas nitong Lunes ng Office of the Press Secretary, itinalaga si Guillen bilang acting administrator ng NIA.

“Pursuant to the provision of existing laws, you are hereby appointed as acting administrator and member, Board of Directors, National Irrigation Administration, vice Benny D. Antiporda,” ayon sa order ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sinuspinde si Antiporda ng anim na buwan ng Ombudsman dahil sa reklamo ng mga opisyal at kawani ng NIA dahil sa grave misconduct at diumano’y pangha-harass.

Ilan sa mga reklamo ay ang pagbabawal sa mga managers na makapag-biyahe na anila ay “counterproductive” sa kanilang trabahol; habang ang iba naman ay inilipat sa opisina kahit wala umanong “valid grounds”.

Meron din na tinakot na hindi ire-renew ang appointment ng mga kawani na kumumpuni ng kanyang aircon sa kaniyang bahay, ngunit hindi natapos nang maaga.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2