Badjao haharangin sa pier para di makahingi ng limos sa Maynila
MAGSASAGAWA ng background checks ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pier upang harangin ang mga Badjaos na makabiyahe sa Metro Manila upang mamalimos sa Pasko at Bagong Taon.
Ayon kay Commodore Armand Balilio, PCG spokesperson, hinala nila ay mga sindikato ang nasa likod ng pagdagsa ng mga Badjao sa Metro Manila.
Mula sa Tawi Tawi, Sulu, Basilan, at Zamboanga City ang mga Badjao.
Ani Balilio, makikipag-ugnayan ang PCG sa
Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga lokal na pamahalaan sa gagawing background check.
“If their journey is unreasonable, then they will not be allowed to board the vessel. (Social Welfare) Secretary Erwin Tulfo told us to be meticulous, as these tribe members are being used to seek alms. We support this initiative to end human trafficking,” ayon sa opisyal.
Sa kasalukuyan ay wala pang nahaharang na mga pasahero na patungong Maynila ang PCG, sabi ni Balilio.
Comments
Post a Comment