DOH tiniyak na walang hand, foot and mouth disease outbreak
BAGAMAN tumataas ang bilang ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD), tiniyak ng Department of Health (DOH) na walang outbreak na nangyayari.
Ito ang nilinaw ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire matapos ang ulat na tumataas ang bilang ng HFMD sa ilang lugar.
Giit niya, wala pang naiuulat na namatay dahil dito.
“We are seeing an increase in cases kapag tinignan natin for these past weeks ng hand, foot, and mouth disease, pero wala pa tayong trigger o wala pa tayong enough basis for our local governments to declare outbreaks in their areas,” ani Vergeire.
“These are all manageable and preventable,” dagdag pa niya.
Ayon sa opisyal, aabot sa 155 ang naitalang HFMD sa National Capital Region mula Oktubre hanggang Disyembre 6 at karamihan sa kanila ay edad 11 pababa.
Comments
Post a Comment