Employment agencies kung saan galing ang kasambahay na sangkot sa krimen, papanagutin

LUSOT na sa huli at ikatlong pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong papanagutin ang mga employment agency kung saan kinuha ang mga kasambahay na masasangkot sa krimen.

Sa botong 246, inaprubahan ng Kamara ang House Bill Number No. 4477 na naglalayong bigyan ng mas malaking responsibilidad ang mga private employment agencies (PEAs) na kumukuha at nagdedeploy ng kasambahay.

Inamyendahan ng House Bill (HB) No. 4477 section 36 ang Republic Act (RA) No.
10361, o ang Batas Kasambahay.

Sa ilalim ng panukala, inaatasan ang Department of Labor and Employment (DoLE) na tiyakin ang proteksyon ng mga employer at kasambahay sa pamamagitan ng pagpapatupad ng isang sistema sa pagbibigay ng lisensiya sa mga kasambahay. 

“The bill aims to safeguard the persons of the employers and their family in their abode against those who might use PEAs as vehicles in executing their criminal intention by imposing greater responsibility and accountability from PEAs,” sabi ng panukala.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Bagets tinodas sa burol; rap battle motibo