GF ni Jovit sa publiko: Please report fake account

NAKIKIUSAP ang girlfriend ni Jovit Baldivino na si Camille Ann Miguel na i-report ang account ng poser niya na nanghihingi ng abuloy.

Ibinahagi ni Camille ang nasabing account na ginaya ang kanyang display at profile photos. 

Ang kaibahan ay mas konti ang followers nito at ang description sa bio.

Bago ito ay inireklamo ni Camille ang poser niya na nanghihingi ng abuloy para sa pamilya ng yumao niyang boyfriend.

“Kung sino ka mang dimunyo ka makunsensya ka at kung sakaling me magbigay sayo gamitin mo sa magiging burol mo!!!!! karma na bhala sayo!!!!” aniya.


Comments

Popular posts from this blog

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Ka-Publiko gustong ampunin honor student na pangarap makapagtapos ng pag-aaral

Seniors, PWD hindi na exempted sa number coding