GMA ipinagtanggol ang panukalang Maharlika Wealth Fund

NAKAKUHA ng kakampi ang administrasyon sa pagsusulong nito ng panukalang Maharlika Investment Fund matapos itong ipagtanggol ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Arroyo na hindi na bago ang Sovereign Wealth Fund.

“Singapore, for example, has had Temasek Holdings since 1974 and the Government of Singapore Investment Corporation since 1981. There are more than 20 sovereign wealth funds in the Middle East,” sabi ni Arroyo.

Idinagdag ni Arroyo na maging si dating Senador Bam Aquino ay naghain ng kahalintulad na panukala noong 2016.

“The success of any fund, sovereign or private, lies in the quality of its management. In the current version of the Maharlika Wealth Fund, the President of the Philippines chairs its governing Board. This is a powerful statement that the highest official of the land will hold himself as ultimately accountable to the Filipino people for the performance of the Fund,” dagdag ni Arroyo.


Comments

Popular posts from this blog

Bilyonaryong baon sa utang pinalalayas sa mansion?

Pari arestado sa panggagahasa sa dalagita

Estudyante hindi na libre sa LRT-2